ito ay ang unang "pakikipagsapalaran" ko alang-alang sa pag-aaral ng potograpiya (maliban sa opisina at sa bahay). nagpunta ako kamakailan sa PeyUps para kumuha ng mga larawan ng mga mala-araw na bulaklak. maaari niyong makita ang mga nakuha ko sa Y!Photos sa UnivAveSunflowers na album. naging masaya ang umagang iyon subalit naging napakainit rin. dapat pala nagpunta ako roon nang masmaaga.
at may kakatuwang nangyari pa. may isang guwardiya doon na nagpakuha ng kanyang larawan. hahaha... ayan, may modelo na ako, kahit na hindi siya ang modelong inaasahan ko. XD
sa bawat kuha ng larawan ay may natututunan ako. mga epekto ng pagpapalit ng bukas ng apperture, ang rule of thirds, ang paggawa ng komposisyon, at kung anu-ano pa.
kakaiba talaga ang pakiramdam sa ganitong gawain. nakakaaliw at kakaibang kasiyahan ang nadudulot sa akin nito. lalo na kung pinagmamasdan ko ang mga kuha ko at ipinaghahambing ang pare-parehong kuha ng larawan na may iba't ibang setting ng kamera.


0 comments:
Post a Comment