t'goosh!

ang blog ni m's

nakilala ko siya mahigit anim na buwan na ang nakalilipas. masasabi mong nahulog agad ang loob ko sa kanya. dahil nasa kanya ang marami sa mga katangiang hinahanap ko. siya ay kakaiba sa mga nakilala ko. different in a good way. sa mga nagdaang panahon, maslumalim ang aking kagustuhang mapasaakin siya. minsan nga, sumagi sa isipan kong maaaring siya na nga. at dumating rin ang pagkakataon na gusto ko na siyang makasama. hanggang sa nakilala ko ang nakababatang kapatid niya. nasa kanya rin ang mga katangiang hinahanap ko, subalit hindi siya kakaiba. siya ay pang karaniwan lamang. pero bakit ganito? ako ay nalilito? sa mga ganitong pagkakataon, masusubok ang katapatan ng isang tao sa kanyang minamahal. sadyang mapaglaro ang buhay. kung kailan palagay ka na sa isang bagay, may darating na maaaring makapagbigay sa iyo ng pagaalinlangan. ang buhay nga naman... ewan...

siya at ang kanyang nakababatang kapatid.

4 comments:

jem said...

sabi na eh--ndi ito tao! hehehe... ndi ba sa budget na lang magtatalo? =D

yen said...

hehehe. akala ko pa naman celebrity! tipong si jessica simpson at si ashley simpson! hehehe.

katoyngk! said...

hi, Jem! hehe... obvious ba? pero nakaiinis lang talaga, though hindi ganun kabilis ma-obsolete yung mga dslrs, siyempre pipili na ako nang maganda at suwak (ulk!) sa budget. buti nga medyo nagmura na mga dslrs. pareho lang yata yung list price niya. pero parang masmaganda yung e-500, yung metering niya masmaganda, pero hindi ko lang alam kung na-address na yun sa firmware update ng e-300. hm... sana may magbigay na lang sa akin nito para ayus. XD

katoyngk! said...

hi, Ryanne. hayaan mo, kung madiskubre kong may kapatid si Barbie o si Sitti o si Juris o si....